May mga tugtuging hindi ko makalimot

 4. May mga tugtuging hindi ko makalimot


O may mga tugtog na nagsasalita,
malungkot na boses ng nagdaralita;
pasa-bahay ka na ay nagugunita’t
parang naririnig saanman magsadya.

Langitngit ng isang kaluluwang sawi,
panaghoy ng pusong nasa pagkalungi;
laging naririnig sa bawat sandali
ang lungkot ng tugtog na mapawi’y hindi.

Ikaw baga’y daing ng nakaligtaan?
Ikaw baga’y hibik ng pinagtaksilan?
Matutulog ako sa gabing kadimlan
ay umuukilkil hanggang panagimpan.

Oo, mayr’ong tugtog iyang mga b’yoling
tila sumusugat sa ating panimdim;
bawat isang tao’y may lihim na daing,
pinakakatawan sa b’yoling may lagim.

Sa lahat ng gabi sa aking pag-uwi,
kung ako’y hapo na na makitunggali,
ang bawat tugtugi’y kalulwa ng sawi
ako’y dinadalaw sa bawat sandali.

May isang tugtuging hindi ko malimot,
kinakanta-kanta sa sariling loob;
hiniram sa hangin ang lambing at lamyos,
awit ng ligayang natapos sa lungkot.


PAKSA: Ang tula ay pumapaksa sa pangungulila o kalungkutang nadarama ng isang tao dahil sa mga alaalang pilit na kinakalimutan ngunit nananatili pa rin sa puso at isipan. Na sa buhay ay kinakaila- ngan nating tanggapin ang mga nang- yayari lalo na sa pag-ibig na hindi lahat ng ating gugustuhin. Na sa buhay ay kinakailangan nating tanggapin ang mga nang- yayari lalo na sa pag-ibig na hindi lahat ng ating gugustuhin ay mapapasaatin. Ang tunay na nagmamahal ay hindi humihingi ng anumang kapalit. 


MENSAHE: Naipapakita sa tula na ang mga tugtuging hindi ko malimot ay nagbibigay linaw sa ating isipan na ito ay pumapatungkol sa mga alaala na hindi makakalimutan dahil nakatatak na ito sa puso at isipan ng taong umiibig. Sa tuwing naririnig ang isang tugtugin ay naaalalang muli ang mga matatamis at mapapait na pangyayari sa kaniyang buhay kahit lumipas na ang maraming taon. Sa pamama- gitan ng alaala ay hindi pa rin malilimutan ang buong samahan. Ang tugtugin na pinapakita sa tula ay nagpapakita ng kahalagahan ng pag-alam sa ating kasaysayan at alaala sa kasalukuyang panahon. Ang mga ito ay nagbibigay ng linaw sa ating isipan at nagpapakatatag sa ating pagkatao. Sa pamamagitan ng pag-alaala sa mga nakaraan, hindi natin malilimutan ang ating mga kultura at tradisyon, at maaaring magbigay ito ng pagkakakilanlan sa ating sarili at sa ating komunidad. Sa ganitong paraan, ang pagpapahalaga sa ating alaala ay makatutulong sa pag-unlad ng halaga ng kaunlarang panlipunan at pangkatauhan.

No comments:

Post a Comment

Mga tula ni Corazon Batute

KOLEKSYON NG MGA PAGSUSURI NG MGA TULA NI JOSE CORAZON DE JESUS       1. Kalupi ng Puso   Talaan ng aking mga dinaramdam,  Kasangguning l...